Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DSWD NAGKALOOB NG TULONG PINANSYAL SA OFW MULA ASINGAN NA NAAPEKTUHAN NG KAGULUHAN SA MIDDLE EAST

Apr
10,
2026
Comments Off on DSWD NAGKALOOB NG TULONG PINANSYAL SA OFW MULA ASINGAN NA NAAPEKTUHAN NG KAGULUHAN SA MIDDLE EAST
Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula Asingan, Pangasinan na naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.
Kinilala ang benepisyaryo na si Eduardo Mercado, 41 taong gulang, na 11 taon nang nagtatrabaho sa Bahrain bilang driver foreman bago nagdesisyong umuwi sa Pilipinas.
Ayon kay Mercado, nagpasya siyang bumalik ng bansa dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan at lumalalang sitwasyon sa Bahrain.
“Hindi na nakakatulog ng maayos doon dahil sa kaguluan,” ani Mercado.
Isa si Mercado sa mga OFW na napauwi sa tulong ng mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga Pilipinong apektado ng tensyon sa Middle East.
Personal na iniabot ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang P20,000 na tulong pinansyal kay Mercado sa ginanap na payout activity sa lungsod ng Urdaneta noong Abril 8, 2026.
Nagpasalamat si Mercado sa tulong na natanggap at sinabi niyang gagamitin niya ito bilang panimulang puhunan sa negosyong bigasan.
Dagdag pa niya, kung hindi pa bubuti ang sitwasyon sa Bahrain, hindi muna niya balak bumalik sa abroad at mas pipiliin niyang maghanap ng kabuhayan sa Pilipinas.
Umaasa si Mercado na makapagsimula muli at magkaroon ng mas maayos na kabuhayan sa bansa sa tulong ng suportang natanggap mula sa pamahalaan.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top