Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DREDGING AT DESILTING OPERATION SA MACALONG CREEK

Jul
29,
2021
Comments Off on DREDGING AT DESILTING OPERATION SA MACALONG CREEK

DREDGING AT DESILTING OPERATION SA MACALONG CREEK, ISINAGAWA NG LGU ASINGAN AT PROVINCIAL GOVERNMENT
Nagsagawa ng dredging at desilting ang lokal na pamahalaan ng Asingan katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Macalong Creek na matatagpuan sa Zone 7 , Barangay Macalong.
Layon ng operasyon na palalimin ang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig na nagdudulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar kapag umuulan.
Sinabi ni Mayor Carlos Lopez Jr. na humingi ng tulong ang LGU kay Governor Amado I Espino III sa pamamagitan ng barangay resolution na inaprubahan din sa pamamagitan naman ng Sanggunian Bayan Resolution.
β€œnirequest natin sa ating mahal na Governor na humingi tayo ng tulong sa pamamagitan ng kanilang BackHoe. So ngayon andito kaagad after two days andyan na yung BackHoe. Pasalamat tayo sa ating butihing Governor sa agarang aksyon na dredge kaagad yung Macalong Creek na kung saan eh binabaha yung mga kababayan natin doon.” ani ni Mayor Lopez Jr.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top