Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DOLE TUPAD VALIDATION NG 363 4PS GRADUATES SA ASINGAN, BINISITA NI MAYOR CARLOS LOPEZ JR.

Nov
20,
2025
Comments Off on DOLE TUPAD VALIDATION NG 363 4PS GRADUATES SA ASINGAN, BINISITA NI MAYOR CARLOS LOPEZ JR.


Asingan, Pangasinan – Sa pagbisita ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa ginaganap na validation na isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 363 4Ps graduates, nagbigay ang alkalde ng mensahe sa mga indibidwal na kasalukuyang dumadaan sa screening para sa TUPAD program.


Layunin ng validation na matukoy ang kwalipikadong benepisyaryo para sa short- term employment assistance ng TUPAD at tiyakin ang maayos at patas na pagpili.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Lopez Jr. ang patuloy na pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga residente at pinasalamatan ang DOLE sa kanilang pakikipagtulungan sa proseso ng validation. Ipinahayag niya na mahalagang mahanap ng LGU at mga ahensya ang mga oportunidad na makatutulong sa pag- unlad ng mga residente ng Asingan.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga dumalo sa pagkakataong makasali sa validation at umaasa na makakatulong ang TUPAD program sa kanilang pansamantalang kabuhayan at sa pag-abot ng mas maayos na pamumuhay.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top