Naipagkaloob na ang payout sa 250 benepisaryo ng TUPAD sa bayan ng Asingan.
Bago nito, nagtrabaho ang mga benepisaryo sa mga proyektong pangkomunidad sa loob ng 20 araw.
Kabilang sa kanilang mga aktibidad ang pagpapanatili ng kalinisan sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kanal, pampublikong pasilidad, at pag-aayos ng mga halaman sa paligid.
Dumalo si Mayor Carlos Lopez Jr. sa payout activity at nagpasalamat kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa patuloy na suporta para sa mga Asinganians.
Ayon sa alkalde, malaking tulong ang TUPAD program hindi lamang sa dagdag-kita ng mga benepisaryo kundi maging sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.
“Nawa’y magsilbing inspirasyon ang programang ito upang lalo pa nating mapalakas ang sipag, pagkakaisa, at malasakit sa ating bayan,” ani Mayor Lopez Jr.
Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment na nag-aalok ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho at kabilang sa mga disadvantaged groups.









