Nakatanggap ng sweldo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa limandaan at tatlong (503) na benepisyaryo mula sa bayan ng Asingan.
Sa personal na pagbisita ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa nasabing okasyon ay kanyang ipinaabot ang pasasalamat kay Secretary Bienvenido Laguesma sa walang sawang pagtulong sa mga residente ng Asingan.
Nakatutok ang TUPAD program sa mga proyektong pang-komunidad tulad ng pag-aayos, paglilinis, o pagpapanatili ng mga pampublikong pasilidad.









