Ang taunang paligsahan ay hindi lamang simpleng laro, kundi isang makabuluhang hakbang upang mailayo ang kabataan sa masasamang bisyo tulad ng droga, at upang maitaguyod ang disiplina, diplomasya, at pagkakaisa sa pamamagitan ng sports.
Sa pagbubukas ng programa, binigyang-diin ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang kahalagahan ng pagkilala sa panalo at pagkatalo, gayundin ang pagsunod sa mga alituntunin ng palaro:
“Ang gusto ko — laro lang po ito. Kung sino man ang manalo, i-accept po natin. Kung ano po ‘yung rules na sinabi ng ating komisyoner, ‘yun po ang ating sundin para wala pong away na mangyari sa bawat team. Okay?”
Nagpasalamat din ang alkalde sa suporta ng Sangguniang Bayan at ibinahagi ang plano para sa mas maayos na pasilidad ng palakasan:
“Councilor Joel Viray, Councilor Johnny Mar Carig, at lahat ng mga councilor natin… ‘Mayor, panahon na para bigyan natin ng maayos na sahig ‘yung ating basketball court.’ Ipinapaabot namin na inaasahan nating magagawa na next year ang rubberized flooring na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.”
Samantala, mainit ding tinanggap ni Councilor Johnny Mar Carig, ang Commissioner ng Mayor’s Cup 2025, ang lahat ng kalahok at panauhin sa pamamagitan ng isang makabuluhang mensahe:
“It is with great honor to welcome you all to the Mayor’s Cup 2025. Naniniwala ako na ang disiplina, pagkakaisa, at diplomasya sa larangan ng sports ay ang susi ng tagumpay. Mamuhay tayo nang may pagpapakumbaba, at huwag maging mayabang. I hope that you will enjoy it. Once again, a blessed and wonderful morning.”
Ang ilan sa mga premyo ay mula sa mga masugid na tagasuporta ng palaro tulad nina Board Member Ranjit Ramos-Shahani at Mr. Alex Tanwangco, na kapwa kinilalang sponsors ng programa.
Kabilang din sa mga opisyal na dumalo at nagbigay ng mensahe ng suporta sina Councilor Joselito Viray, Councilor Mark Abella, Councilor Melchor Cardinez Jr., Councilor Christian Benedict Robeniol, at Jonjon Soliven, na kumatawan kay Board Member Ranjit.
Sa kabuuan, ang Mayor’s Cup 2025 ay inaasahang magiging matagumpay, masaya, at higit sa lahat — magiging daan upang mahikayat ang kabataan na piliin ang sports kaysa sa bisyo.










