Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Daloy ng trapiko at pagluwag ng mga terminal ng trisikel

Jul
10,
2019
Comments Off on Daloy ng trapiko at pagluwag ng mga terminal ng trisikel


Daloy ng trapiko at pagluwag ng mga terminal ng trisikel sa palengke tutukan ni Mayor Carlos Lopez Jr.

Sa isang pagpupulong kasama ang mga presidente ng kanya kanyang TODA, ay muling pinaalalahanan ni Mayor Lopez na dapat ay β€œlima o anim lamang” na trisikel ang nakaparada sa bawat association, upang mapagbigyan ang bawat mamimili na may sasakyan na makapagparada.

Isa din ito sa hinaing ng mga store owners na dahil sa over crowded na ang mga terminal ay hindi na napapansin ang kanikanilang mga paninda.

Sa nasabing pagpupulong ay inaprubahan ni Mayor Lopez ang pagkakaroon nila ng CR para sa mga trisikel driver at pagbibigay na rin ng uniform.

Kanya din sinabi na naghahanap na din siya, kasama ang mga nasa Sangguniang Bayan ng pagkakaroon ng pwesto o staging area upang doon muna sila magpark habang puno pa ang mga terminal.

Nakiisa din sa nasabing pagpupulong ang Pangppo Pcr Asingan PS at POSO Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top