Dalawang kaso ng Covid 19 sa bayan ng Asingan nag negatibo sa resulta ng swab test; Empleyado ng isang mall negatibo na rin.
Tuluyan nang gumaling ang dalawang pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagpositibo sa bayan ng Asingan noong nakaraang buwan.
Linggo ng gabi, ayon sa pakikipag usap ni Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas kay Rhoda Binay-An, Nurse III ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) kinumpirma nito ang paggaling ng mga pasyente.
Samantala, isang Asinganian naman na nagta-trabaho sa isang malaking mall sa Rosales ang itinuring na “probable case” matapos magpositibo sa rapid testing ngunit nag-negatibo ang resulta ng kaniyang PCR swab test. Anumang oras bukas ay papayagan na itong makaalis sa Quarantine Facility ng bayan.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa sa COVID-19.
Ang striktong pagsunod sa mga alintuntunin ng gobyerno ang siyang mabisang paraan upang malabanan ang sakit.