Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

COURTESY CALL NINA ATTY. RIVERA AT PCPT. JOSE KAY MAYOR LOPEZ JR

Sep
4,
2025
Comments Off on COURTESY CALL NINA ATTY. RIVERA AT PCPT. JOSE KAY MAYOR LOPEZ JR

PRODUKTIBONG COURTESY CALL NINA ATTY. RIVERA AT PCPT. JOSE KAY MAYOR LOPEZ JR., TAMPOK ANG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN SA ASINGAN Naging makabuluhan at produktibo ang isinagawang courtesy call nina Atty. Phillip Raymund S. Rivera, Pangasinan Provincial Officer at Chief Regional Investigation ng NAPOLCOM Regional Office 1, kasama ang kanyang grupo, at ni PCpt. John Ishmart Jose, Officer-In-Charge ng Asingan Police Station kay Mayor Carlos Lopez Jr. Sa kanilang pulong, binigyang-diin ang patuloy na pagtutulungan para sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa bayan ng Asingan.


Ipinahayag ni Atty. Rivera ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng NAPOLCOM, lokal na pamahalaan, at kapulisan upang higit pang mapalakas ang seguridad sa komunidad. Samantala, tiniyak naman ni PCpt. Jose na mas paiigtingin ng Asingan Police Station ang mga programang pangkapayapaan at kampanya kontra kriminalidad.
Ang naturang courtesy call kay Mayor Lopez Jr. ay nagsilbing pagkakataon upang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon ng mga ahensya at lider sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan para sa mga taga-Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top