Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BUSINESS PERMIT RENEWAL EXTENDED HANGGANG JANUARY 30, 2026

Jan
22,
2026
Comments Off on BUSINESS PERMIT RENEWAL EXTENDED HANGGANG JANUARY 30, 2026

Umabot na sa isang libo’t limampu’t anim (1,056) na business renewals at mga bagong negosyo ang nabigyan ng lisensya ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pamamagitan ng Business One Stop Shop (BOSS).

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay dadagsain pa ng mga negosyante ang munisipyo, dahil hanggang January 30 na lamang ang itinakdang deadline o huling araw ng pagre-renew ng business permit upang maiwasan ang pagpapatupad ng penalty.

Nito lamang nakaraang taon, umabot sa isang libo’t walong daan (1,800) ang nakakuha ng business permit sa munisipyo.

Sa pamamagitan ng Business One Stop Shop, mas napapabilis ang proseso ng pagkuha ng Mayor’s Permit at maging ang pagre-renew ng permit ng mga may-ari ng negosyo.

Ang Business One Stop Shop (BOSS) ay bukas mula alas otso ng umaga (8:00 AM) hanggang alas singko ng hapon (5:00 PM), Lunes hanggang Biyernes

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top