Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BPLO ASINGAN, NAGSIMULA NANG MAG-INSPEKSYON SA MGA TINDAHAN

Mar
11,
2021
Comments Off on BPLO ASINGAN, NAGSIMULA NANG MAG-INSPEKSYON SA MGA TINDAHAN


BPLO ASINGAN, NAGSIMULA NANG MAG-INSPEKSYON SA MGA TINDAHAN NGAYONG BUWAN NG MARSO
Nagsimula nang mag barangay ang mga tauhan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lokal na pamahalaan ng Asingan upang inspeksyunin ang mga tindahan kung sila ba ay may permit upang mag-operate ng kani-kanilang mga negosyo.
β€œDala na rin namin ang resibo kasama na rin namin ang BFP pwede na silang magbayad para ang dadalhin na lang nila is for the sanitary, yung stool saka yung phlegm para diredirecho na nilang makuha yung permits.” Ayon kay Licensing Officer Myla De Guzman.
Kabilang sa mga naunang barangay na ininspeksyon ay ang barangay Ariston East, Sanchez at Domapot.
“Nagchecheck na kami ng mga [business] permits dahil natapos na yung time ng renewal na walang penalty so dapat mag-check na kasi kailangan na. Marami pa kasing hindi nakakapermit base na rin sa 2020 na permit ” saad ni De Guzman.
Sa kasalakuyan ay lagpas na sa isang libo at anim na raan ang rehistradong negosyo sa Asingan.
“Sa mga hindi pa po nakakapapermit pwede po silang pumunta 1 o’ clock hanggang 5pm kasi nagbabarangay kami ng Tuesday hanggang Thursday pero pwede silang Monday at Friday morning hanggang afternoon kami” dagdag ni De Guzman.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top