Magsasagawa ng bloodletting activity ang Rural Health Unit ng Asingan sa Don T. Bauzon Elementary School sa Mayo 15, 2026.
Gaganapin ang aktibidad mula 8 a.m. hanggang 2 p.m.
Layunin nito na makahikayat ng mga blood donor upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Maaaring mag-donate ang mga edad 18 hanggang 65 na nasa maayos na kalusugan. Pinapayagan din ang mga edad 16 hanggang 17 kung may pahintulot mula sa kanilang magulang o guardian.
Pinaalalahanan ang mga nais mag-donate na magpahinga nang sapat at kumain bago pumunta sa donation site.
Makakakuha ang mga donor ng libreng blood typing, limang kilong bigas, at meryenda.








