Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bayan ng Asingan, Pangasinan bilang Disability-Inclusive Municipality

Jul
22,
2026
Comments Off on Bayan ng Asingan, Pangasinan bilang Disability-Inclusive Municipality

Kinilala ang Bayan ng Asingan, Pangasinan bilang Disability-Inclusive Municipality, ang tanging lokal na pamahalaan sa Region I na ginawaran ng naturang pagkilala.
Iginawad ang parangal sa NCDA Recognition Ceremony for Partners and Exceptional Filipinos with Disabilities, isang okasyong kumikilala sa mga indibidwal, organisasyon at lokal na pamahalaang may natatanging ambag sa pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga person with disability o PWD.
Tinanggap nina Mayor Carlos Lopez Jr., Social Welfare Officer I Princess Poon, at Municipal Social Welfare and Development Officer Teresa Mamalio ang parangal sa ngalan ng Bayan ng Asingan.
Pinuri ang lokal na pamahalaan dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng inklusyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga PWD.
Mula nang ilunsad ng Asingan ang kauna-unahang programa nito para sa sektor noong 1996, patuloy na pinalalakas ng bayan ang mga serbisyong pangkabuhayan, panlipunan at iba pang suportang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga taong may kapansanan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Lopez Jr. na hindi lamang nakatuon sa kabuhayan ang tulong ng lokal na pamahalaan. Aniya, nakikiisa ang iba’t ibang sangay ng munisipyo sa paghahatid ng mga kinakailangang serbisyo para sa mga PWD.
Hinimok din niya ang iba pang lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga programang tunay na kumikilala sa dignidad at kapakanan ng sektor.
“Hindi parangal ang sukatan ng serbisyo. Ang mahalaga ay mapasaya at mapangiti natin ang ating mga PWD,” pahayag ni Mayor Lopez Jr.
Ang pagkilala ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng Asingan na bumuo ng isang inklusibong pamayanan kung saan iginagalang ang karapatan, dignidad at kapakanan ng bawat PWD.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top