Sa inisyatibo ng administrasyon ni Mayor Carlos Lopez Jr., nakatanggap ang Barangay Poblacion East ng bagong multipurpose vehicle mula sa LGU Asingan. Layunin ng nasabing proyekto na mapahusay ang serbisyo publiko at mas maiparating ang tulong sa mga nasasakupan ng barangay.
Pinangunahan ni Punong Barangay Luis Ancheta Divina ang pagtanggap ng bagong sasakyan, na inaasahang makakatulong sa mas mabilis at epektibong serbisyo ng mga opisyal sa kanilang komunidad.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga residente at suportahan ang mas maayos na pamamahagi ng serbisyo publiko sa Asingan.









