Patuloy na hinihikayat ng Rural Health Unit o RHU Asingan ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng kanilang mga sanggol bilang proteksyon laban sa iba’t ibang sakit.
Batay sa datos ng RHU Asingan, may target population ang munisipyo na 1,111 batang edad 0 hanggang 12 buwan na kailangang mabakunahan. Hanggang May 31, 2026, nasa 339 na ang naitalang fully immunized children o mga batang kumpleto na ang bakuna.
Ayon kay Marilou Torio, Nurse III at Non-Communicable Disease Program Coordinator, kabilang sa mga bakunang ibinibigay sa mga sanggol ang BCG, Hepatitis B vaccine, Pentavalent vaccine, Oral Polio Vaccine, at MMR o bakuna laban sa measles, mumps, at rubella.
Paliwanag ni Torio, ang mga bakunang ito ay mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga vaccine-preventable diseases tulad ng tuberculosis, polio, measles, hepatitis, diphtheria, pertussis, tetanus, at iba pa.
Aniya, libre ang mga bakuna sa RHU Asingan kaya’t dapat samantalahin ito ng mga magulang para sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.
“Kapag nabakunahan ang bata, tumataas ang kaniyang immunity. Kung sakali mang magkasakit siya, hindi ito magiging ganoon kalala at maiiwasan ang mas mabibigat na komplikasyon,” paliwanag ni Torio.
Dagdag pa niya, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng malalang sakit ang batang hindi kumpleto ang bakuna, lalo na kung may outbreak o pagkalat ng mga sakit gaya ng measles.
Kaugnay nito, nanawagan ang RHU Asingan sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga sanggol sa health center upang matiyak na kumpleto ang kanilang bakuna at masigurong protektado sila laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.