Ipinakita ng Team Asingan ang kanilang lakas at determinasyon sa pamamagitan ng back-to-back wins sa opening weekend ng Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III Inter- Town Basketball Tournament.
Noong Sabado, tinalo ng Asingan ang Team San Quintin, 73–61, sa isang dikdikan at pisikal na laro. Kinabukasan, mas pinakita ng koponan ang kanilang galing sa isang dominanteng 109-67 na panalo laban sa Team Tayug.
Sa dalawang panalong ito, malinaw ang solidong teamwork at agresibong laro ng Team Asingan sa bawat quarter. Ang kanilang panalo ay patunay ng dedikasyon at paghahanda ng bawat manlalaro.
Patuloy ang koponan sa paghiling ng suporta mula sa kanilang mga kababayan at taos-pusong pinasasalamatan ang lahat ng Asinganian na nagdasal at nagbigay-lakas sa kanila sa court.








