ASINGAN, KINILALA SA PANGANGALAGA SA KAPAKANAN NG KABATAAN
Kinilala ng DILG Pangasinan ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan bilang IDEAL sa isinagawang Local Council for the Protection of Children o LCPC Functionality Assessment.
Ayon sa pagkilala, ipinakita ng bayan ang patuloy na pagsisikap sa pagsusulong ng karapatan, proteksiyon, at maayos na kinabukasan ng bawat batang Asinganian.
Patunay rin ito ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng pamamahalang tumutugon sa pangangailangan ng mga bata, gayundin sa paglikha ng ligtas at maalagang komunidad kung saan sila ay maaaring lumaki, matuto, at umunlad.
Inaasahang magsisilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalawak ang mga programang nakatuon sa kabataan at mapanatili ang Asingan bilang isang child-friendly na bayan.








