Pasok ang Asingan Cheering Squad sa 11 koponang napili bilang Grand Finalists ng LGBTQIA+ Cheerdance Competition 2026.
Ayon sa anunsyo ng kompetisyon, nakalusot ang grupo sa online screening kasama ang 10 iba pang koponan na maglalaban sa susunod na yugto.
Gaganapin ang kompetisyon sa Hunyo 20, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month.
Inaasahang ipapakita ng Asingan Cheering Squad ang kanilang talento, disiplina, at pagkakaisa sa kanilang unang pagsabak sa naturang kompetisyon.
Nananawagan din ang grupo sa mga Asinganians na suportahan sila sa pamamagitan ng panonood at pakikiisa sa kanilang pagtatanghal.
Para sa koponan, malaking bagay ang presensya at suporta ng kanilang mga kababayan sa araw ng kompetisyon.








