Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

A๐’๐ˆ๐๐†๐€๐ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐๐‹๐€๐™๐€, ๐๐”๐๐”๐Š๐’๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Feb
15,
2022
Comments Off on A๐’๐ˆ๐๐†๐€๐ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐๐‹๐€๐™๐€, ๐๐”๐๐”๐Š๐’๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž
A๐’๐ˆ๐๐†๐€๐ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐๐‹๐€๐™๐€, ๐๐”๐๐”๐Š๐’๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž
Bubuksan na muli sa publiko ang Asingan Public Plaza simula bukas February 16 araw ng Miyerkules, ito ay bunsod ng pagbaba ng quarantine classification ng Pangasinan sa Alert Level 2.
“Binibigyan na naman ng pagkakataon ang isa’t isa na makapasyal at ibubukas na rin natin yung mga public facilities natin at sana po’y magamit natin ito nang maayos, ingat lang po at nandyan po ang panganib ng covid.” ani Mayor Carloz Lopez Jr.
Kasabay nito ay nagpaalala ang alkade sa publiko na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura lalo na’t inaasahan muli ang pagdagsa ng mga tao sa parke bukas.
“Hiling ko yung pagbabasura po, kumpleto po ang mga trashcan po natin diyan sa public plaza nakikiusap po ako doon sa nagbebenta diyan na pagsabihan naman nila yung kanilang mga suki na ibasura naman ng maayos yung kanilang pinagkainan.” dagdag ng alkalde.
Bukas ang mga parke araw-araw mula alas kwatro ng madaling araw hanggang alas otso ng gabi.
Pinaalalahan naman ni Mayor Lopez Jr. ang publiko na tiyakin pa ring nasusunod ang mga health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
ย 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top