757 na Benepisaryo, Nabigyan ng Tupad Assistance mula sa DOLE Region 1
Laking pasasalamat ni Navarro Jr. ng matanggap niya na ang P4,000 sahod mula sa sampung araw 10 na pagtatrabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Yung matatanggap ko pong pera ngayon is gagamitin ko po pang-file ng board exam para sa aking kinuhang kurso po. Malaking tulong po ito sa mga katulad ko na nangangailangan ng dagdag na pera,” ayon kay Navarro Jr.
Sa pinakahuling batch ng TUPAD ay umabot sa 738 ang naging benepisyaryo ng mahigit tatlong milyong piso.
Sa kanyang personal na pagdalo sa ginanap na pay-out, nagbigay pagpupugay si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kay Secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang agarang aksyon sa kahilingan na magkaroon ng TUPAD sa bayan.
“Ang purpose po nito ay pansamantalang trabaho para sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho, naghahanap pa ng trabaho o di kaya’y walang trabaho. So sana po itong programa na ito would inspire you na pagkatapos nito kailangan pong maghanap ng trabaho para po sa ating minamahal na pamilya,” pahayag ng alkalde.
Base sa datos ng DOLE Region 1, tinatayang nasa halos 212 milyong piso ang naipamahagi ng ahensiya para 55,077 benepisyaryo ng naturang programa.