Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

656 RESIDENTE, NAPAGSERBISYUHAN SA PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM SA APAT NA BARANGAY

Jun
29,
2026
Comments Off on 656 RESIDENTE, NAPAGSERBISYUHAN SA PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM SA APAT NA BARANGAY

656 RESIDENTE, NAPAGSERBISYUHAN SA PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM SA APAT NA BARANGAY

Bakas pa rin sa pangangatawan ng 70-anyos na si Angelina Aquino ang epekto ng stroke, ngunit hindi ito naging hadlang upang magtungo siya, kasama ang kanyang anak na si Jovita, sa PhilHealth Yakap at Gamot Program sa Barangay Sobol ngayong Lunes.
Sa kabila ng iniindang pamamanhid ng katawan, pinili pa rin nilang lumapit sa sinasagawang libreng serbisyong medikal matapos silang sabihan ng isang kabarangay. Sa programa, nakapagpakonsulta si nanay Angelina at nakatanggap ng libreng gamot para sa kanyang high blood pressure.
Ayon kay Jovita, unang beses nilang nakinabang sa ganitong serbisyo. Para sa kanya, malaking ginhawa ito lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng agarang gabay at gamot.
“Opo, malaking tulong po ito sa mga may sakit,” ani Jovita nang tanungin kung gaano kahalaga ang libreng serbisyo ng gobyerno para sa mga residente.
Umabot na sa 656 residente ang napagserbisyuhan sa apat na barangay, kabilang si Aquino na isa sa mga senior citizen na nabigyan ng pangunahing serbisyong medikal.
Pinangunahan ang aktibidad ng Rural Health Unit of Asingan at Asingan Community Hospital, kung saan nakatanggap ang mga residente ng konsultasyon, libreng gamot, at gabay pangkalusugan.
Layunin ng PhilHealth Yakap at Gamot Program na mas mapalawak ang access ng mga Asinganian sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong medikal, maintenance na gamot, at wastong payo

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top