Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

5,000 KABATAAN, TARGET PAKAININ SA FEEDING PROGRAM

Oct
13,
2020
Comments Off on 5,000 KABATAAN, TARGET PAKAININ SA FEEDING PROGRAM

5,000 LIBONG KABATAAN, TARGET PAKAININ SA FEEDING PROGRAM NG LGU ASINGAN NGAYONG PANDEMYA
Isinagawa sa barangay Ariston East kanina ang unang araw ng feeding program ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. kabalikat ang mga miyembro ng Sangguninang Kabataan ng Asingan.
“Naisip po ng Sangguniang Kabataan gayon din si Mayor para matutukan po ang health ng mga bata at para mabawasan din po ang mga malnutrisyon dito po sa bayan ng Asingan.” Ayon kay JR Sapigao, SK President ng barangay Carosucan Norte.
Target na mapakain sa feeding program ang aabot sa limang libong kabataan sa Asingan.
β€œHindi lang po namin target yung mga kinder at saka daycare, so ang nangyayari po ngayon lahat ng bata basta grade 6 pababa binibigyan na po namin.” dagdag ni Sapigao.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top