300 PRODUCTION OPERATOR POSITIONS, BUKAS SA HIGH SCHOOL GRADUATES KAHIT WALANG EXPERIENCE
Aabot sa 300 production operator positions ang bubuksan para sa mga jobseeker sa Local Recruitment Activity na gaganapin ngayong Sabado, Agosto 8, sa Asingan.
Isasagawa ang recruitment mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Mayor Carlos P. Lopez Sr. Public Auditorium.
Pangungunahan ito ng Public Employment Service Office (PESO) ng LGU Asingan katuwang ang PESO Lingayen, tampok ang One Source General Solutions, Inc.
Maaaring mag-apply ang mga high school graduate o college level, may work experience man o wala. Bukas din ang mga posisyon sa lahat ng kasarian.
Kabilang sa iba pang qualifications ang pagkakaroon ng 20/20 vision o paggamit ng eyeglasses, hindi colorblind, walang visible tattoo, at handang ma-assign sa Olongapo City sa Subic Bay Freeport Zone, Binalonan o Hermosa sa Bataan.
Hinihikayat ang mga aplikante na magdala ng updated résumé o bio-data, valid ID, at iba pang kaugnay na application documents.
Posible ring magkaroon ng on-the-spot screening at interview kaya pinapayuhan ang mga aplikante na dumating nang handa dala ang kanilang mga kinakailangang dokumento








