Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

2,283 MAGSASAKA SA ASINGAN, NAKATANGGAP NG TULONG SA ILALIM NG PAFF PROGRAM

Jun
10,
2026
Comments Off on 2,283 MAGSASAKA SA ASINGAN, NAKATANGGAP NG TULONG SA ILALIM NG PAFF PROGRAM

2,283 MAGSASAKA SA ASINGAN, NAKATANGGAP NG TULONG SA ILALIM NG PAFF PROGRAM

Aabot sa 2,283 magsasaka sa bayan ng Asingan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk o PAFF Program na isinagawa kamakailan.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P2,325 na ayuda bilang suporta sa kanilang pangangailangan at kabuhayan sa pagsasaka.
Personal namang nagtungo si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. upang kamustahin ang kalagayan ng mga magsasaka at tiyaking maayos na naipararating ang tulong sa mga benepisyaryo.
Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang sektor ng agrikultura, partikular ang mga magsasakang patuloy na humaharap sa hamon ng kabuhayan at produksyon.
Malaking tulong umano ang natanggap na ayuda para sa pangangailangan ng kanilang pamilya, gayundin sa iba pang gastusin na may kaugnayan sa kanilang hanapbuhay.
Patuloy namang kinikilala ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng pagkain at pagpapalakas ng kabuhayan sa bayan.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top