Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

150 BPATs, BARANGAY OFFICIALS AT BHW, SUMABAK SA DAY 1 NG PEACEKEEPING TRAINING

Jul
1,
2026
Comments Off on 150 BPATs, BARANGAY OFFICIALS AT BHW, SUMABAK SA DAY 1 NG PEACEKEEPING TRAINING
150 BPATs, BARANGAY OFFICIALS AT BHW, SUMABAK SA DAY 1 NG PEACEKEEPING TRAINING SA ASINGAN

Sinimulan ngayong Miyerkules, Hulyo 1, 2026, sa Asingan Public Auditorium ang Day 1 ng tatlong araw na Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs Training, na isasagawa hanggang Hulyo 3.
Umabot sa 150 BPATs, barangay elected officials, at Barangay Health Workers ang lumahok sa programa na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga barangay.
Sa pagsisimula ng aktibidad, nagbigay ng welcome remarks si Police Major Leonard Zacarias, Officer-in-Charge ng Asingan PNP, kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa peace and order.
“Ang BPATs training na ito ay voluntary. Wala pong sahod dito, ngunit malaki ang kanilang tungkulin sa pagtulong sa kaayusan at peace and order sa kanilang barangay,” ani PMAJ Zacarias.
Ayon pa sa kanya, mahalaga ang partisipasyon ng BPATs dahil sila ang madalas na unang nakaaalam sa mga insidente sa komunidad. Sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat sa kapulisan, mas mabilis na natutugunan ang mga pangyayaring nangangailangan ng aksyon.
Samantala, pinangunahan naman ni Atty. Stephanie Joy Rolusta-Valdez ang lecture proper kung saan tinalakay ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, gayundin ang mga tungkulin at responsibilidad ng barangay officials sa mga hakbang kontra ilegal na droga.
Inaasahang sa pagpapatuloy ng training, mas mahahasa ang mga kalahok sa kanilang papel bilang katuwang ng lokal na pamahalaan at kapulisan sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad sa Asingan.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top