Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

π•πŽπ“π„π‘’𝐒 π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 π€π’πˆππ†π€π ππ€πŠπ€ππ€π†π“π€π‹π€ 𝐍𝐆 𝟏,πŸπŸ–πŸ” 𝐍𝐀 ππ€π†πŽππ† ππŽπ“π€ππ“π„ π€π˜πŽπ 𝐒𝐀 π‚πŽπŒπ„π‹π„π‚

Jan
25,
2023
Comments Off on π•πŽπ“π„π‘’𝐒 π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 π€π’πˆππ†π€π ππ€πŠπ€ππ€π†π“π€π‹π€ 𝐍𝐆 𝟏,πŸπŸ–πŸ” 𝐍𝐀 ππ€π†πŽππ† ππŽπ“π€ππ“π„ π€π˜πŽπ 𝐒𝐀 π‚πŽπŒπ„π‹π„π‚
Hanggang January 31, 2023 na lamang ang deadline para sa voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon at hindi magbibigay ng extension para sa pagpapa-rehistro.
Ayon kay Election Officer III Leny Manangan-Masaoy ng COMELEC Asingan , sila ay nakapagtala ng karagdagang isang libo dalawang daan at walumpu’t anim (1,286) na bagong mga aplikante sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga satellite voters registration sa iba’t ibang eskwelahan at barangay.
Kasabay nito ay nasa dalawang huling satellite registration na lamang ang natitira, ito ay sa Barangay Carosucan Sur na gaganapin bukas January 26 araw ng huwebes at Barangay Bantog sa January 28 araw ng sabado.
Habang sa January 27 (Biyernes), January 30 (Lunes) at January 31(Martes) ay gaganapin naman sa COMELEC Asingan ang pagpaparehistro.
Dahil dito, hinikayat ni Election Officer III Manangan-Masaoy ang publiko na huwag nang hintayin pa ang huling araw ng registration para makapagpatala, at sulitin na ang petsang itinakda ng poll body.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top