Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ππ€π“πˆπŽππ€π‹ πˆπƒ π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π π€π’πˆππ†π€π, ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀 πŒπ”π‹πˆ

Dec
16,
2021
Comments Off on ππ€π“πˆπŽππ€π‹ πˆπƒ π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π π€π’πˆππ†π€π, ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀 πŒπ”π‹πˆ
ππ€π“πˆπŽππ€π‹ πˆπƒ π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π π€π’πˆππ†π€π, ππ”πŠπ€π’ 𝐍𝐀 πŒπ”π‹πˆ
Makalipas ang mahigit dalawang linggong pagsasara ay balik operasyon na muli ang Philippine Identification System (PhilSys) Asingan sa publiko.
“Nag iwan po kami ng sulat kay mam Salud na yung mga hindi pa po tapos, ipalista lang po nila yung mga pangalan nila doon. And then nag iwan din po kami dito sa pintuan ng office para isulat nila yung pangalan nila, contact number and then once po na makabalik kami, dito tatawagan po namin sila kaya yun po yung ginagawa po namin ngayon.” ani ni Jessica Mariano, isa sa mga Supervisor ng PhilSys Asingan.
Hinimok naman ng Philsys Asingan ang mga residente na pumunta na sa kanilang tanggapan upang magparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) card o mas kilala sa tawag na National ID.
“Para sa mga kababayan po natin na hindi pa po tapos sa National ID, kami po ay bukas uli sa aming registration center dito sa may DILG building 1st floor. Pwede niyo po kami bisitahin Monday to Saturday po alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.” dagdag ni Mariano.
Para sa iba pang impormasyon sa PhilSys at sa mga karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa info@philsys.gov.ph, o tumawag sa PhilSys hotline 1388.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top