Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

πŒπ†π€ πŠπ€π‹π€π‡πŽπŠ 𝐒𝐀 π†πˆππŽπŽ 𝐀𝐓 πŒπ”π“π˜π€ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀

May
23,
2022
Comments Off on πŒπ†π€ πŠπ€π‹π€π‡πŽπŠ 𝐒𝐀 π†πˆππŽπŽ 𝐀𝐓 πŒπ”π“π˜π€ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀
πŒπ†π€ πŠπ€π‹π€π‡πŽπŠ 𝐒𝐀 π†πˆππŽπŽ 𝐀𝐓 πŒπ”π“π˜π€ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀
Ilang araw bago ang pinakakaabangang Asingan Kankanen Festival ay pukpukan na sa ginagawang rehearsal ang tatlumpu’t dalawang kalahok sa Ginoo at Mutya ng Asingan 2022.
Makasaysayan ang 11th Edition ng pageant na ito dahil ito ang unang pagkakataon na idadaos ang isang beauty contest mula ng magkaroon ng pandemya.
“This is more challenging kasi nga for two years hindi natuloy yung pageant natin siyempre excited ang lahat pati committee. Yung mga nabakantehan na candidate finillupan natin sila, and yung mga pass candidates na hindi natuloy ng 2020 sila yung nilagay.” ani ni Jherone Christopher Lavarias, Event Director ng GMA.
Taong 2009 ng sinimulan ni dating alkalde at kasalukuyang bise-mayor na si Heide Chua ang pageant.
“Layon kasi natin na magkaroon ng mga role models ang mga kabataan, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi more on the inner side kasi ginigising natin yung magagandang asal, yung mga moral values natin.” saad ni Vice Mayor Chua.
Sa ngayon ay may labing pitong kandidata at labing lima naman ang magtatagisan sa araw ng biyernes June 3.
“Iniimbitahan po namin lahat na manood, makisaya sa June 3 for the Grand Coronation Night ng Ginoo ken Mutya ti Asingan and a lot more surprises na mapapanood niyo on the pageant night and don’t forget yung text vote patulong po kami.” dagdag ni Lavarias.
Inaabangan din ng publiko ang muling pagbubukas ng Public Auditorium para sa koronasyon ng pageant ngayong taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top