Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

πŒπ€π“π€π†π€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 ππˆπ‘π„π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽππ† πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π“πˆππ”π‹πƒπ”πŠπ€π

Jan
5,
2022
Comments Off on πŒπ€π“π€π†π€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 ππˆπ‘π„π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽππ† πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π“πˆππ”π‹πƒπ”πŠπ€π

 

 

πŒπ€π“π€π†π€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 ππˆπ‘π„π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽππ† πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π“πˆππ”π‹πƒπ”πŠπ€π 𝐍𝐆 π€ππŽππŽ ππ€π‘π“π˜π‹πˆπ’π“ 𝐀𝐓 𝐋𝐆𝐔 π€π’πˆππ†π€π


Nirereklamo ng mga residente ang daanan sa Sitio Sococ sa barangay Toboy, bayan ng Asingan.
Minsan ay maalikabok, mas madalas ay maputik at panay lubak, ganyan kung ilarawan ng mga residente ang nasabing daan sa kanilang lugar .
“Mahirap talaga halos di makadaan yung sasakyan kasi lupa-lupa nga lang, eh pag umulan wala na maputik. Gabor-gabor lang dinadagdagan lang ng lupa saka bato ganun — Rough road.” pahayag ni Reynald Rabaca.


Kaya naman idinulog ng mga residente ng nasabing lugar ang problemang ito sa lokal na pamahalaan ng Asingan sa pamamagitan ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Agad ding umaksyon ang Alkalde sa puro lubak at maputik na daan tuwing umuulan.
“Vinisit na natin yung kabi-bid lang na project natin, na ito ay ating nahingi sa pamamagitan ng koordinasyon ng office of the Mayor, office of the Sangguniang Bayan at office of the Sangguniang Barangay. Nagkaisa kami para idulog itong problema sa ABONO Partylist na pinapangunahan ni Congressman Condrado Estrella III at wala namang hindi sa kanya.” pahayag ng alkalde.
Naglaan ng limang milyong pisong pondo ang ABONO Partylist para sa slope protection, concreting at masonry ng farm to market road na target matapos sa Marso o Abril ng susunod na taon.

“So yung hinaing ng mga kababayan natin na matagal ng prinoblema, sa wakas sa awa ng Dios sa bendisyon ng ating mahal na Panginoon nabigyan tao ng pagkakataon na makakuha ng pondo kaya yan on going yung construction.” dagdag ng alkalde.
Lubos naman ang pasasalamat ni Rabaca na maaayos na rin ang kalsada na matagal na rin nilang naging problema.
“Nagpapasalamat po kami dahil nagawa na sa tagal ng panahon kasi ang hirap ang dumalan (dumaan) dito ngayon lang nagawa, ngayon lang nasemento nagpapasalamat kami kay Mayor napprubahan na magawa.” saad niya.
Kabilang sa mga proyektong ibinigay ni Congressman Estrella III ng ABONO Partylist ay ang Farm to Market road sa Zone 6 Calepaan, pasilidad ng Samahang Nayon Dairy Box, Barangay hall ng Toboy.


“Incoming na projects katulad itong auditorium natin, ang finishing niya manggagaling sa ABONO Partylist. Kaya nga sinasabi ko sa mga kababayan natin na tulungan natin yung mga talagang tumutulong din sa ating bayang Asingan. Kasama of course ang ating ama ng distrito natin si Congressman Tyrone Agabas sa kanilang mag asawa na continous ang bigay nila ng developmental projects at lahat ng support binibigay nilang dalawa para sa ating bayan.” paghihikayat ng alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top