?????? ?? ??????? ?? ???????? ?????, ?????? ?? ??????? ???????? ???? ???? ?? ???????
Inaasahan na ng Commission on Elections o COMELEC na magiging mas mainit ang darating na halalan para sa Barangay at SK Election.
“Mas mainit ang barangay kasi sa barangay ang magkakalaban dyan, magkakatunggali, mga magkakapatid. Minsan magkakamag anak, di ba magka-barrio? talagang mainitin ang labanan dyan.” pahayag ni Election Officer III Leny Manangan-Masaoy ng COMELEC Asingan.
Nasa mahigit tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa Barangay at SK election.
Ayon kay Masaoy, naka prepara na ang kanilang opisina para sa nalalapit na halalan sa unang linggo ng Disyembre , kahit na nagpapatuloy ang debate kung itutuloy o ipagpapaliban ang pangalawang eleksyon sa bansa ngayong taon.
Naging usap-usapan na kapag napostpone ang barangay elections makakatipid ang pamahalaan ng P8.141 billion na puwedeng gamitin para sa continuing response to the pandemic, cash aid and economic stimulus.
“Ang alam nila kasi dati pag na postpone ang election, akala nila makakatipid ang Pilipinas pero sa batas hindi tayo makakatipid. Kasi yung pondo na nakalaan para sa election hindi pwedeng ireallign sa ibang gamit ng government, talagang strictly for election lang yun.” dagdag ni Election Officer III Masaoy.
Sa datos ng Comelec Asingan ay nasa 40, 859 na registered voters ang lalahok para sa Barangay at SK Election.
Nagpaalaala naman ang COMELEC sa mga kandidato sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) mula October 6 hanggang October 13 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.