??????? ???-???? ?? ?????? ??????????? ??; ???-???? ???? ??????? ?????????? ??? ??????? ??,??? ???????? ?? ???? ?? ???-???? ?? ???-???? ?? ????????
Nasa isandaan at labing isang (111) individual mula sa mga empleyado ng munisipyo, tricycle drivers at mga market vendor ang napagsilbihan sa pagbisita ng Lingkod Pag-Ibig On Wheels sa bayan ng Asingan.
“Para mapalapit po tayo sa mga miyembro na nahihirapan po mag travel and sa [covid] cases po natin ngayon na nasa pandemic tayo, hindi na mapapalayo yung ating mga kliyente at saka miyembro po.” ani ni Aileen Calpotura, Supervising Member Services Officer ng Pag Ibig Fund Urdaneta.
Sa pamamagitan ng Lingkod Pag-Ibig On Wheels ay maaring magpasa ng aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Provident Benefits Claim, sumadya upang magtanong tungkol sa savings o records sa Pag-IBIG Fund, magparehistro bilang bagong miyembro at alamin ang iba’t ibang benepisyong hatid ng Pag-IBIG Fund.
Sa kasalukuyan ay nasa 40,259 ang aktibong miyembro ng ahensiya na sumasakop naman sa ika-lima at ika-anim na distrito ng lalawigan ng Pangasinan ayon kay Calpotura.
Ang Lingkod Pag-Ibig On Wheels ay aarangkada naman ngayong araw March 3 sa bayan ng San Quintin habang sa Biyernes ay nasa bayan naman sila ng San Manuel.
Personal ding binisita ang nasabing programa ng Branch Head ng Pag-IBIG Urdaneta na si Lorenzo Ocampo.