Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

πŠπ€π‡π€ππ€π€π 𝐍𝐆 𝐉. π‘π€πŒπŽπ’ 𝐀𝐓 πŒπˆπ‹π‹π€π 𝐒𝐓. πˆπ’πˆππ€π‘π€ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€

May
18,
2022
Comments Off on πŠπ€π‡π€ππ€π€π 𝐍𝐆 𝐉. π‘π€πŒπŽπ’ 𝐀𝐓 πŒπˆπ‹π‹π€π 𝐒𝐓. πˆπ’πˆππ€π‘π€ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€
πŠπ€π‡π€ππ€π€π 𝐍𝐆 𝐉. π‘π€πŒπŽπ’ 𝐀𝐓 πŒπˆπ‹π‹π€π 𝐒𝐓. πˆπ’πˆππ€π‘π€ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€
Tuluyan nang isinara sa mga motorista ang daan sa bahagi ng J. Ramos St. at kahabaan ng Millan St. simula kahapon May 17 Martes ng umaga.
Alinsunod na rin ito sa isang ordinansya na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua, na pangunahing layunin ay protektahan ang mga bata at mga kliyenteng may transaksyon sa Local Government.
“Kaya natin siya isinara is to protect yung mga bata doon sa may school (Narciso R. Ramos Elementary School) at yung mga client ng local government. Dire-diretso na yan na close talaga, di pa namin iniimplement kasi wala pang klase noon pero ngayon may klase na sila, that would be fully implemented after na fiesta.” ani ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Dagdag pa ng Alkalde ang lugar na ito ay karugtong ng pampublikong pasyalan at pagtatayuan ng food court para sa mga namamasyal.
Magsisilbi namang alternate route ng mga motorista ang Mayor’s Boulevard, B. Ignacio St. at T. Bauzon St..

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top