Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

“ππ€π‹π€π˜ π’πˆπ‹π€ππ†π€π” π‘π„π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐆 𝐏𝐃𝐄𝐀 ππ€ππ†π€π’πˆππ€π

Aug
2,
2022
Comments Off on “ππ€π‹π€π˜ π’πˆπ‹π€ππ†π€π” π‘π„π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐆 𝐏𝐃𝐄𝐀 ππ€ππ†π€π’πˆππ€π
“ππ€π‹π€π˜ π’πˆπ‹π€ππ†π€π” π‘π„π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐆 𝐏𝐃𝐄𝐀 ππ€ππ†π€π’πˆππ€π
Bubuksan na ngayong August 15 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Asingan ang pang limang β€˜Balay Silangan’ Reformation Center sa lalawigan ng Pangasinan.
Matapos ito ng personal na inspeksyon na isinagawa ng PDEA Pangasinan kasama si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Police Major Napoleon Eleccion ng PNP Asingan, Dr. Jesus Cardinez ng MDRMMO at Municipal Local Government Operations Officer Catherine Velasquez ng DILG Asingan.
“Kaya tayo punta dito sa bayan ng Asingan ay patungkol nga dito sa paanyaya ng butihing Mayor ng bayan ng Asingan para ating iinspect itong proposed balay silangan reformation center. Itong balay silangan reformation center ay siyang paglalagyan natin ng kanilang [Asingan] mga drug surrenderers particularly mga pushers at dito sila mamalagi ng ilang buwan.” ayon kay PDEA Pangasinan Director Rechie Camacho.
Dito sasailalim sa rehabilistasyon ang mga indibidwal at makapagbagong buhay.
Binigyan diin din ni Director Camacho ang kahalagaan ng mga intervention programs para sa mga individual na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.
Ang pasilidad ay nagkakahalaga ng isang milyong piso at may kakayahang i-accommodate ang labing dalawang katao.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top