Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

π€π’πˆππ†π€π ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐏𝐋𝐀𝐙𝐀, πŒπ”π‹πˆππ† ππˆππ”πŠπ’π€π 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Dec
4,
2021
Comments Off on π€π’πˆππ†π€π ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐏𝐋𝐀𝐙𝐀, πŒπ”π‹πˆππ† ππˆππ”πŠπ’π€π 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

π€π’πˆππ†π€π ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐏𝐋𝐀𝐙𝐀, πŒπ”π‹πˆππ† ππˆππ”πŠπ’π€π 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ
Kahapon December 3 ay muling binuksan ang Asingan Public Plaza matapos ang halos dalawang linggong pagkakasara. Kabilang din sa mga binuksan sa publiko ay ang People’s Park at Children Park Arts.
Ito rin ang unang pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon na magkakasamang muli ang magkakaklaseng sina Rizelyn, Juvylene, Queen, Rainier at Andrea ng Luciano Millan National Highschool
“Nakakabawas po ng stress, masaya po na nabuksan na kasi matagal din na parang nakakulong po ang mga tao dahil sa pandemic pero kailangan pa rin mag ingat” saad ni Rizelyn Pamposa
Kasabay nito, isinigawa rin kagabi ang Christmas Tree lighting ceremony na pinangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
“Pumunta na sila sa plaza basta ang hiling ko lang na magfacemask sila at sundin ang minimum health protocol. Ngingiti ang mga bata diyan kasi may mga development tayo na ginawa sa plaza lalo na pag dumating yung santa clause na may reindeer.” ani ng alkalde
Bukas ang pampublikong pasyalan mula alas kwatro ng madaling araw hanggang alas diyes ng gabi.
Samantala ayon pa rin kay Mayor Lopez Jr. magtatalaga ng karagdagan pang mga pulis, POSG at CVO ng mga barangay sa nasabing mga lugar upang magbantay at tiyakin ang kaligtasan at kaayusan doon..

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top