PUROKALUSUGAN ng DOH Pangasinan at RHU Asingan, Dinagsa ng mga Residente ng Brgy. Calepaan
Halos dalawang buwan na lamang ay manganganak na si Ivy Tamayo sa kanyang pangalawang anak kaya naman importante sa kanya ang regular na makapagpacheck-up.
Ngunit dahil sa maselan na pagbubuntis ay hindi na ito nakakabiyahe dahil ang Municipal Health Unit ay malayo ang sa kanilang lugar.
Kaya laking pasasalamat ni Ivy ng kanyang malaman na may magaganap na libreng serbisyong medikal sa kanilang lugar.
“Salamat po sa programang ito dahil mas malapit na yung pagpacheck-upan hindi na po pupuntan ng bayan .” saad ni Ivy.
Ngayong araw ay pormal na inilunsad lokal na pamahalaan ng Asingan at ng Department of Health Pangasinan sa Barangay Calepaan ang pinakaunang “Purokalusugan”.
“Yung main purpose po ng Purokalusugan ay inalalapit po yung health care services po sa ating mga mamamayan specially sa mga purok po.” pahayag ni Julliene Khrizia Quinto, Nurse II ng Department of Health Pangasinan.
Ang “Purokalusugan”ay naka sentro sa needs assessment ng kumunidad sa pamamagitan ng house to house visit, regular na check up, pagpapalakas ng adbokasiya sa kalusugan.
Kabilang sa libreng serbisyo medikal ay Non-Communicable Diseases assessment, HIV testing, Blood sugar checking, Family Planning at Maternal Health.
Nagsagawa din ng health lecture na may kinalaman sa Dengue awareness, HIV awareness, Monkeypox (MPOX), Oral Hygiene at Road awareness.
Sa nasabing aktibidad ay nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua at Councilor Marivic Robeniol patungkol sa pangangalaga ng kalusugan.
Ang barangay Calepaan ang panglabing limang barangay sa lalawigan ng Pangasinan na pagserbiyuhan ng “Purokalusugan”.
Sa kabuoan ay nasa isangdaan at limangpu (150) individual ang benipisaryo ng libreng serbisyong medikal.