
Ang mais ay isa sa mga pinaka-importanteng produktong pang-agrikultura sa bayan ng Asingan. Ito ay ginagamit bilang pagkain ng tao, at pangunahing sangkap sa paggawa ng mga pagkain ng mga hayop.

Kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Asingan ay gumagawa ng paraan upang gumanda pa ang benta ng mga magsasaka lalo ngayong isinusulong din ng San Miguel Food Corporation ang pagbili ng kanilang mga mais.
“Sa ngayon kung yung market niya okay pa kaya lang doon sa hybrid yung problema natin kasi bumagsak na yung presyo. Pero doon sa mga nagtatanong yung yellow corn saka yung native na mais o kaya yung purple corn okay pa naman ang presyo. Sa mga nagtatanim ng hybrid yun ang pupunta sa BMEG yun yung nagkaroon tayo ng marketing para sa mga farmers na nagtatanim ng konsumo ng pagkain ng mga hayop.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
At bilang bahagi ng 51st Nutrition Month Celebration ngayong taon ay nagtapatan ng cooking skills ang nasa labing limang (15) grupo mula sa mga pampublikong paaralan ng iba’t-ibang putaheng may sinangkapan ng mais. Sa kabila nito all the contestants delivered, mga ulam na katakam takam ang kanilang niluto at pinatikim sa mga hurado.
Nagwagi bilang second place ang Sobol Elementary School at first place naman ang Calepaan Integrated School habang Kampeon ang Narciso Ramos Elementary School.












