Comments Off on Libreng Serbisyong Dermatolohiya, Available na sa CFERMTC
May problema ka ba sa balat, buhok, o kuko?
Halina’t magpatingin sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center (CFERMTC) dahil bukas na ang Libreng Serbisyong Dermatolohiya!

Schedule: Tuwing Martes, 8:00 AM – 12:00 NN

Lugar: Outpatient Department, CFERMTC

Ilan sa mga kondisyon na aming tinatanggap:

Alopecia (Pagkapanot o Pangangalbo)

An-an

Balakubak (Dandruff)

Buni (Tinea)

Eksema (Eczema)

Herpes

Hadhad (Intertrigo/Candida)

Hika sa Balat (Atopic Dermatitis)

Kati-kati

Keloid

Kulugo (Wart)

Kuntil (Skin Tag)

Mamaso (Folliculitis)

Pigsa (Furuncle/Boils)

Psoriasis

Peklat (Scar)

Tagulabay (Urticaria)
…at marami pang ibang kondisyon sa balat!

Paalala:
Dalhin ang inyong valid ID at patient record (kung meron). Ang serbisyo ay libre at first come, first served basis.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating balat at kalusugan!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Outpatient Department ng CFERMTC.
