LGU ASINGAN AT IBA’T-IBANG ORGANISASYON, LUMAHOK SA ISANG TREE PLANTING ACTIVITY PARA SA KALIKASAN.
Bilang paggunita sa Arbor Day ngayong araw, nagsagawa ng tree-planting activity ang lokal na pamahalaan ng Asingan kasama ang iba’t ibang organisasyon malapit sa 4PH Pambansang Pabahay Site sa Barangay Carosucan Norte.
Umabot sa halos dalawangdaang (200) seedlings ng fruit-bearing trees gaya ng langka, pomelo, kasoy, bayabas, niyog, kasoy maging narra at mabolo ang sabay- sabay na itinamin dito.
Ang aktibidad ay bunga ng sama-samang pagsisikap upang isulong ang adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng likas na yaman.








