Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

KLASE SA MGA PUBLIKONG PAARALAN SA ASINGAN, SUSPENDIDO NGAYONG HAPON, OKTUBRE 9

Oct
9,
2025
Comments Off on KLASE SA MGA PUBLIKONG PAARALAN SA ASINGAN, SUSPENDIDO NGAYONG HAPON, OKTUBRE 9

Sinuspinde ngayong hapon, Oktubre 9, ang mga klase sa lahat ng pampublikong paaralan hanggang kolehiyo sa bayan ng Asingan bilang hakbang sa pagtiyak ng kaligtasan matapos maramdaman ang pagyanig ng lindol. Naglabas ng Executive Order No. 031, Series of 2025 si Asingan Mayor Engr. Carlos F. Lopez Jr. na nag-aatas ng paglilipat ng mga klase ngayong hapon sa modular, asynchronous, o distant learning modalities sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa Bayan ng Asingan.
Ang kautusan ay bunsod ng Magnitude 4.4 na lindol na tumama bandang alas-10:30 ng umaga, Oktubre 9, 2025, na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bahagi ng Pugo, La Union. Bagaman Intensity 1 lamang ang naramdaman sa ilang lugar ng Asingan, binigyang-diin ng alkalde na kinakailangang maging maingat dahil sa posibilidad ng mga aftershocks.
Ayon kay Mayor Lopez Jr, ang nasabing hakbang ay proactive at precautionary measure upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan habang pinananatili ang tuloy-tuloy na pag-aaral sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan ng pagtuturo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top