Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Huwag Palampasin ang Libreng Serbisyo para sa mga Alagang Pusa at Aso

Oct
21,
2025
Comments Off on Huwag Palampasin ang Libreng Serbisyo para sa mga Alagang Pusa at Aso
Magsasagawa ang Provincial Veterinary Office (PVO) – Pangasinan, katuwang ang ating Municipal Agriculture Office, ng libreng serbisyo para sa mga alagang aso at pusa bukas, October 22, araw ng Miyerkules, simula alas otso ng umaga (8AM) hanggang alas dose ng tanghali (12NN) sa Public Auditorium.
Layunin ng programa na palakasin ang responsableng pag-aalaga ng hayop at suportahan ang adbokasiyang #RabiesFreePangasinan.
Libreng Serbisyo:
• Konsultasyon
• Anti-Rabies Vaccination
• Deworming
• Vitamin Supplementation
• Castration (para sa mga lalaking aso at pusa)
• Spaying (para sa mga babaeng pusa lamang)
Bukod dito, magkakaroon din ng leksiyon hinggil sa Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007, upang mapalawig ang kaalaman ng publiko sa tamang pangangalaga at pagbabakuna ng mga alaga.
Paalala sa mga Pet Owners:
Ang mga aktibidad ay eksklusibo lamang para sa mga residente ng Asingan upang matiyak na mabibigyan ng maayos na serbisyo ang mga lokal na pet owners. Ang mga serbisyo ay first come, first served at magsisimula alas-8 ng umaga.
Mga Paalala para sa Castration at Spaying:
1. Kailangang nakapag-fasting ng hindi bababa sa 8 oras ang alagang hayop bago isagawa ang operasyon.
2. Magdala ng manila paper at blade para sa bawat alaga.
3. Tatlong alaga lamang bawat may-ari ang maaaring isailalim sa serbisyo ng castration o spaying.
4. Ang mga babaeng pusang na-spay ay dapat magsuot ng e-collar matapos ang operasyon upang maiwasan ang pagkapunit ng tahi.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top