Ipinatupad ng Heaven’s Gate Memorial Gardens ang “Undas Route Plan 2025” bilang gabay sa publiko para sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko ngayong paggunita ng Undas.
Ayon sa anunsyo, pinapayagang makapasok sa sementeryo ang mga sumusunod na uri ng sasakyan:
Samantala, hindi naman papayagang pumasok sa loob ng sementeryo ang mga:
Para sa mga motorsiklo, nakatalaga ang parking area sa labas ng park kung saan maaaring iparada ang mga ito.
Pinaalalahanan din ng pamunuan na mahigpit na ipinagbabawal ang reservation ng parking spaces upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan at maiwasan ang abala sa mga bumibisita.
Hinikayat ng Heaven’s Gate Memorial Gardens ang lahat ng dadalo sa paggunita ng Undas na sumunod sa mga itinakdang alituntunin para sa ligtas, maayos, at payapang pagdiriwang ng Araw ng mga Patay sa Asingan. 








