ASINGAN, PANGASINAN — Pormal nang nagsimula ngayong araw, Oktubre 20, 2025, ang voter registration ng Commission on Elections (COMELEC) Asingan para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Bukas ang opisina ng COMELEC mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Sabado, kasama ang mga holiday, hanggang Mayo 18, 2026.
Maaaring magtungo ang mga residente sa tanggapan ng COMELEC Asingan na matatagpuan sa DILG Building, katabi ng RHU Building, upang magparehistro.
• Mga kabataang edad 15 hanggang 30 taong gulang para sa SK Elections
• Mga magiging 18 taong gulang sa o bago ang Araw ng Halalan para sa Barangay Elections
• Mga first-time voters o hindi pa nakapagparehistro kailanman
New Registration
Transfer of Registration
Reactivation
Change/Correction of Entries
Transfer with Reactivation
Magdala ng isang valid government-issued ID.
Tinatanggap ang mga sumusunod:
• PhilSys National ID
• Postal ID
• Student ID o Library Card
• Senior Citizen ID
• Driver’s License o Student Permit
• Passport
• PWD ID
• NBI Clearance
• SSS, GSIS, PRC, IBP, o UMID ID
• NCIP Certification of Confirmation
• Iba pang valid government-issued ID
• Wala nang Voter’s ID na ipinagkakaloob; Temporary ID Certificate lamang ang ibinibigay.
• Kung ikaw ay magkakaedad ng 15 taon bago o hanggang Nobyembre 2, 2026, maaari ka nang magparehistro para sa SK Elections.
“Be the change. Make your voice count!”
Hinihikayat ng COMELEC ang lahat ng mamamayan — lalo na ang mga kabataan — na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.
Dalhin ang iyong valid ID, hikayatin ang iyong mga kaibigan, at sama-samang palakasin ang demokrasya ng ating bayan.









