Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BAYAN NG ASINGAN, KINILALA NG DILG REGION 1 DAHIL SA TRANSPARENCY, KATARUNGAN, AT LEGISLATIVE EXCELLENCE

Nov
25,
2025
Comments Off on BAYAN NG ASINGAN, KINILALA NG DILG REGION 1 DAHIL SA TRANSPARENCY, KATARUNGAN, AT LEGISLATIVE EXCELLENCE
Kinilala ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan bilang bahagi ng pioneer cohort ng Philippine Agenda for the Localization of the Open Government Partnership (OGP)—isang prestihiyosong pagkilala para sa mga LGU na nangunguna sa pagpapatupad ng bukas, tapat, at participatory na pamamahala sa lokal na antas.
Ipinapakita ng karangalang ito na ang LGU Asingan ay patuloy na nagsusulong ng transparent at participatory governance, habang pinapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mga mamamayan sa pamamagitan ng bukas na proseso at inklusibong konsultasyon.
Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., malaking karangalan ang pagkilala at pasasalamat niya sa mga empleyado at department heads sa patuloy na pagbibigay ng tapat at malinis na serbisyo sa mga Asinganian.
Samantala, kinilala ang Barangay Ariston Este sa 2025 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) sa kategoryang 2nd Income Class Municipality. Ibinigay ang parangal bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay, na isinasabuhay ang mga pagpapahalaga ng Excellence, Virtue, at Vision sa serbisyong pampubliko.
Kasabay nito, ang Sangguniang Bayan ng Asingan ay kinilala rin bilang ikatlo (3rd Rank) sa kategoryang 1st–3rd Class Municipality sa pamamagitan ng Plaque of Commendation para sa kanilang natatanging legislative performance. Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa paggawa ng ordinansa at resolusyon na sumusuporta sa epektibong pamamahala at lokal na kaunlaran, pati na rin sa kanilang integridad at dedikasyon sa paglilingkod sa mga nasasakupan.
Ang mga pagkilalang ito ay nagpapatunay sa tapat, masigasig, at makabuluhang paglilingkod ng LGU Asingan at ng kanilang mga barangay, na nagsisilbing inspirasyon sa pagpapatuloy ng mahusay na pamamahala at serbisyong pampubliko sa komunidad.
Ginawad ang mga parangal noong Nobyembre 21, 2025, sa EM Royalle Hotel and Beach Resort, Taboc, San Juan, La Union.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top