Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BAGONG O!SAVE SUPERMARKET, NAGDAGDAG-SIGLA SA LUMALAGONG EKONOMIYA NG ASINGAN

Nov
4,
2025
Comments Off on BAGONG O!SAVE SUPERMARKET, NAGDAGDAG-SIGLA SA LUMALAGONG EKONOMIYA NG ASINGAN

Kamakailan ay dumalo ng personal si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa pagbubukas ng pangatlong O!Save Supermarket sa bayan ng Asingan, na matatagpuan sa Barangay Toboy.


Ang O!Save ay isang community-based retail store na nag-aalok ng mga pangunahing pangangailangan sa abot-kayang presyo — isang patunay ng patuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya at ng kumpiyansa ng mga negosyante sa maayos na pamamalakad ng lokal na pamahalaan.
Sa ilalim ng matatag at mahusay na pamumuno ni Mayor Lopez Jr., patuloy na nagiging kaaya-ayang lugar para sa pamumuhunan ang Asingan. Sa mga nagdaang taon, unti-unting dumarami ang mga negosyong pumapasok sa bayan – isang
bunga ng transparency, mabuting pamamahala, at matatag na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa pribadong sektor.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top