Pormal nang nanumpa ang bagong set ng mga opisyal ng Asingan People’s Council 2025 sa isang Oath Taking Ceremony na pinangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr., at dinaluhan nina Vice Mayor Heidee Chua, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at Focal Person ng Council na si Paolo Tendero.
Layunin ng konseho na maging katuwang ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pagbibigay ng mas maayos na mga programa, proyekto, at polisiya na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Bilang kinatawan ng iba’t ibang sektor, nagsisilbi rin silang boses ng komunidad tungo sa mas bukas, inklusibo, at participatory na pamamahala.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Mayor Lopez Jr. ang bagong opisyal ng konseho sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod-bayan.
“Ang People’s Council ay hindi lamang grupo ng mga kinatawan — sila ay katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtupad ng mga layunin para sa mas maayos at mas maunlad na Asingan,” ani ng alkalde.










