Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ATTY. REX AMI NG CSC, NAGPAKITA NG SUPORTA SA LGU ASINGAN

Nov
25,
2025
Comments Off on ATTY. REX AMI NG CSC, NAGPAKITA NG SUPORTA SA LGU ASINGAN

ATTY. REX AMI NG CSC, NAGPAKITA NG SUPORTA SA LGU ASINGAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBISITA

Nagkaroon ng courtesy call si Atty. Rex Ami, Director II ng Civil Service Commission Field Office – Eastern Pangasinan (CSCFO-EP), kay Mayor Carlos Lopez Jr. upang talakayin ang pagpapalakas ng human resource management sa lokal na pamahalaan ng Asingan at ang mga inisyatibong layong paigtingin ang transparency at meritocracy sa kanilang mga operasyon.
Dumalo rin sa okasyon sina Myrna Luisa Alipio at Paolo Gabriel Tendero mula sa Human Resource Management Office, at si Alejandro Torio, ang Presidente ng Asingan Municipal Employees Association (AMEA).
Sa kanyang pahayag, binanggit ni Mayor Lopez Jr. ang magandang ugnayan at kooperasyon ng mga empleyado ng munisipyo, partikular sa pamamagitan ng AMEA, na siyang nag-aambag sa pagkakaroon ng malinis at epektibong serbisyo para sa mga mamamayan ng Asingan.
Pinasalamatan ni Mayor Lopez ang CSC sa patuloy nitong suporta at itinuring ang pagbisita ni Atty. Ami bilang isang mahalagang hakbang upang mapabuti pa ang pamamahala at serbisyo sa mga Asinganians.
Ang pagbisita ni Atty. Ami ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng CSC at lokal na pamahalaan ng Asingan upang magtaguyod ng tapat at epektibong pamamahala sa bayan.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top