Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Together Forever: Asingan Kasalang Bayan 2023

Feb
20,
2023
Comments Off on Together Forever: Asingan Kasalang Bayan 2023
Together Forever: Asingan Kasalang Bayan 2023
Para sa mga couple na sagana ang pag-ibig pero kapos sa budget, kasalang bayan ang sagot.
Mula sa seminar, birth certificate, marriage license fee, wedding rings, wedding gifts, flowers and catering, lahat ay libre bilang tugon sa mga nagnanais ikasal ngunit walang panggastos.
Ngayong araw biyernes February 17, pinanangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang seremonya para sa tatlumput siyam (39) na pares ng magnobyo ang nagpalitan ng sumpaan at pangako sa nasabing kasalang sibil, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga ninong at ninang.
Ang kasalang bayan ay idinaos sa ilalim ng tanggapan ng Municipal Civil Registrar, Mrs. Salud Panida, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magnobyo na gawing ligal ang kanilang pagsasama.
Nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Vice Mayor Heidee Chua, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez, Councilor Melchor Cardinez Sr., Councilor Joselito Villanueva Viray, Councilor Popoy Amistad, Councilor Julio Dayag.
Sinimulan ang selebrasyon sa isang panalangin ni Dr. Crispin Villanueva habang hinarana naman ang mga kinakasal nina Police Staff Sergeant Antony Mostoles at Mark Allain Meriales mula sa Mayor’s office.
Nakatanggap din ng karagdagang regalo ang mga bagong kasal mula kina Vice Mayor Heidee Chua, Councilor Ira Chua at Councilor Joselito Villanueva Viray.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Police Major Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan, mga Punong Barangay, mga empleyado at iba’t ibang department head ng munisipyo.
Pinasasalamatan naman ni Municipal Civil Registrar Mrs. Panida ang mga tumulong upang maging matagumpay ang okasyon gaya ng mga kasama sa Registrar office, mga staff mula sa Mayors office, Vice Mayors office, mga kawani ng munisipyo, POSG, Maintenance department, Jherone Lavarias at Torres Events & Catering Services.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top