Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


Uncategorized

????? ??? ? ????? ?? ???????

Apr
25,
2022
Comments Off on ????? ??? ? ????? ?? ???????
????? ??? ? ????? ?? ???????, ?????????? ???? ?? ????? ????? ?? ?????????? ??????? ?????? ????
Dinaluhan ng hindi bababa sa isandaang kabataan ang isang Skate for a Cause sa bayan ng Asingan na inorganisa ng Asingan Skate Kru sa pamumuno ng president nitong si Juncyth Abaccu. Ang Summer Skate Jam 2022 ay naglalayong isulong ang patas at payapang eleksyon sa Mayo a nuebe.
Nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga skateboarders mula sa bayan ng Sta Maria, Umingan, Binalonan, Urdaneta City , Rosales, Manaoag at Mangaldan.
Kanya kanyang pagilas ang mga skater na ikinatuwa naman ng mga nanonood at maging si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
“Actually marunong din ako niyan [skateboarding] labing isang taon ako nung simulan ko ang skateboarding. Pero syempre dahil sa timbang ko ngayon hindi na pwede pero atleast masaya din ako kasi nalalayo kayo sa droga, dapat maging sport minded – wag lang sa droga.” mensahe ng alkalde.
Nangako naman si Mayor Lopez Jr. na kabilang ang mga skateboarder ng Asingan sa makikinabang sa oras na matapos ang bagong public auditorium.
Ayon din sa alkalde ay balak din niyang isama ang skateboarding competition ngayong dadating na town fiesta.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top