Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ?????????? ?????? ?? ??? ???????, ?????????? ?? ??????? ????? ???? ?? ??? ???????????? ????????? ?? ?????????

Oct
4,
2022
Comments Off on ??? ?????????? ?????? ?? ??? ???????, ?????????? ?? ??????? ????? ???? ?? ??? ???????????? ????????? ?? ?????????
??? ?????????? ?????? ?? ??? ???????, ?????????? ?? ??????? ????? ???? ?? ??? ???????????? ????????? ?? ?????????
Kilala ang mga Pilipino sa kanilang matibay na pagpapahalaga sa pamilya dahil likas sa kanila ang pag aaruga hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda.
Isang patunay dito ang naging hakbang ng Asingan Municipal Employees Association o AMEA na nagbigay ng tig-iisang rocking chair sa labing apat na senior citizen na dating mga empleyado ng munisipyo.
“Yung pagbibigay po namin ng rocking chair sa mga retired regular employees ng munisipyo yun po kasi para naman mabigyan sila ng parang benepisyo. Napagkaisahan ng association na bigyan sila ng rocking chair parang remembrance po nila bilang miyembro po ng Asingan Municipal Employees Association.” ani Alejandro Torio, Presidente ng AMEA.
Dagdag pa dito ay namimigay din ang grupo ng school supplies sa dalawampu’t apat na job orders na nag ta-trabaho sa munisipyo.
“Napagkaisahan ng mga opisyales [AMEA] na kahit sa kunting paraan lang makapag bigay ng kaunting tulong sa mga job orders na may mga anak”. dagdag ni Alejandro.
Sa kasalukuyan ay may isangdaan at labing isang miyempro ang AMEA.
See Translation

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top