Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

????? ?,??? ?? ?????? ?? ?????? ?????? ?? ?????? ??????? ?? ??? ????

Oct
19,
2021
Comments Off on ????? ?,??? ?? ?????? ?? ?????? ?????? ?? ?????? ??????? ?? ??? ????

????? ?,??? ?? ?????? ?? ?????? ?????? ?? ?????? ??????? ?? ??? ????, ??????? ??????????? ?? ?? ??????? ?? ??? ????????
Ngayong araw ng Martes ay muling namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at ng Department of Agriculture ng libreng hybrid papaya seedlings sa mga barangay.
“Kaya ito ginagawa natin yearly para makadagdag kita po sa ating mga kabarangayan, saka meron tayong pandagdag sa gulayan sa barangay.” ani ni Ernesto Pascual, Municipal Agriculturist.
Umabot sa limanglibo at apatnapung seedlings ang naipamigay sa dalawampu’t isang barangay.
Ayon kay Pascual, mamumunga na ito sa loob lamang ng anim na buwan at maaaring umani ng hanggang 300 kilos na bunga kada papaya.
“Madaling alagaan ito saka madaling magkabunga kasi hybrid papaya at lahat ito namumunga hindi gaya nung mga native na mayroong wala.” dagdag ni Pascual.
Samantala ipinaubaya na ng Department of Agriculture Asingan sa mga opisyal ng barangay ang tungkol sa pamimigay naman ng hybrid papaya seedlings sa kanilang nasasakupan.
“Limitado naman ang pondo natin kaya sila ng bahala (barangay) kung qualified na ka-barangayan nila basta meron pagtatamnan sa backyard pwede nilang bigyan.
Sana yung nabigyan na nila noong nakaraang taon, iba naman na ang recipient na mabibigyan nila ngayon para masubukan naman nung iba nating kabarangayan.” saad ni Pascual

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top